Biyernes, Marso 8, 2013



“Barya, Gaano kahalaga”
Written By: Mae Dizon

Hanggang saan ang kayang gawin ng barya mo? Gaano nga ba kahalaga ng barya sa buhay ng tao?
Malamang sa malamang, nasangkot ka na sa isa sa mga eksesnang ito (o baka nga sa lahat pa):
• Umagang-umaga, sumakay ka ng jeep pero huli na nang malaman mong P100 ang pinakamaliit mong halaga. Ibabayad mo. Wala syang barya, wala kang barya. Thank you na lang ba? Halaga ng barya: 3/5
• Hindi nagkasundo ang merienda mong mani at mangga. Wala ka sa bahay, wala kang tissue. Laking saya mo ng makita mong may tissue vendo sa pinasukan mong CR. P5 for a pack. Agad kang dumukot sa ‘yong bulsa… wala kang barya. Patay na. Halaga ng barya: 5/5
• Kailangan mong tumawag sa bahay dahil naiwan mo ang cell phone mo. Ayan, may pay phone. Please insert coin. Wala na namang barya. Ayawan na. Halaga ng barya: 2/5
Ilan lang ito sa mga suliraning nag-uugat sa kawalan ng barya ng isang tao sa ilang pagkakataon. Ngunit paano na kung ang problemang ito ay maging problemang nasyonal? Ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya? Sa pag-unland? Sa pangkalahatan? Sa halos 2 milyong bilang nga mga pulubing umaasa sa barya?
Pero teka, bakit nga ba may barya? Ginawa nga lang ba ito upang magamit sa paglalaro ng cara y cruz? Pamalit sa nawawalang piyesa ng chess? Pampaliit ng bukol? Pang-alog pagpatak ng Bagong Taon?
Ang barya ay naimbento noong 700 BC (galing sa Wikipedia) dahil sa pangangailangan ng mga tao sa isang instrumento para sa pangangalakal. Ito’y nagsisilbing panumbas sa mga matatanggap na produkto at serbisyo. Ngayon, ang silbi nito ay ganoon pa rin ngunit nagtataglay na lamang ng mas maliit na mga halaga. Sa madaling salita, isa itong mahalagang elemento upang dumaloy ang industriya ng kalakaran.
Ngayon, kung mauubos o bababa ang bilang nito mula sa pangkaraniwan, magkakaroon ng abnormalidad sa pag-ikot ng pera—kung hindi pagkaparalisa—sa ating bansa.

Hihina ang ekonomiya. ‘Pag humina ang ekonomiya, babagal ang pag-unlad. Apektado ang lahat.
Kaya ganoon na lang ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagtigil ng pagsirkula ng barya sa bansa. AngBanko Sentral ng Pilipinas ay laging pinakikiusapan ang mga tao na ‘wag itago ang mga barya sa alkansya sa mahabang panahon. Nilalaban din ng gobyerno ang mga coin smugglers na tone-tonelada kung maglabas ng barya sa bansa.

Hindi malayong umunlad ang bansa nang isang hakbang kung ang isang problema tulad ng sa barya ay matutugunan. At sa pagsagot ng problemang ito, magsimula tayo sa takot. Personal na takot. Takot na baka dumating ang araw na hindi na tayo masuklian sa jeep, o makabili ng tissue sa oras ng tawag ni Inang Kalikasan, o makatawag sa isang teleponong bayaran.

Huwebes, Marso 7, 2013

Sa 25 centemos,may Pag-asa "

“Sa 25 sentimo na barya, may pag-asa”
Written By: Mae Dizon 
Palagi nating naririnig at sinasabi “Wala nang libre ngayon.” Halos lahat ng kailangan mo sa pang-araw-araw na buhay ay umiikot sa pera. Kaya hangga’t maari nagtitipid ka, naghahanap ng mura at sulit ang bayad. Pero kahit nagtititpid ka, minsan hindi mo maiiwsang madaya at minsan hindi mo naiisip na nagsasayang ka.
Mga halimbawa:
Ngunit paano kung pagsasama-samahin natin lahat ng mga sentimo na hindi nila naisukli, ‘di ba’t malaking halaga rin ito, lalo na sa mga malalaking pamilihan. Sa dami ng nabili sa tindahan ilan ba ang hindi nila binigyan ng tamang sukli at Ilan ba ang hindi tumanngap ng sentimong sukli. Magkano ang kikitain nila, sa isang araw, linggo, buwan at taon?
Hindi mabubuo ang piso kung walang bente singko sentimo! Ating alalahanin ang kahalagahan ng baryang ito sa ating buhay na sa panahon ngayon bihira nalang ang nagbibigay halaga nito. Kung mapapansin natin sa mga daan, kalye, at iba pang lugar, madalas nating makikita ang mga baryang ito, ngunit hindi natin pupulutin o bibigyanng pansin ,minsan pa na kung ibibigay mo sa mga bata, maaaring hindi nila tanggapin ito o itapon na lamang kasi halos wala nang tindahan ang tumatanggap nito. Maging ang mga pulubi sa daan na nanghihingi ng limos sa iyo na bibigyan mo ng bente pirasong 25 sentimos eh mukhang malabo pang tanggapin niya ito. Ito rin ay maaaring tanggihan ng taong pinagkakautangan mo ang mga baryang binabayad mo. Ang kendi sa panahon ngayon ay mabibili na ng piso isang piraso, wala nang pwedeng mabili sa 25 sentimo na barya mo kaya ang dahilan mo maaari ay “barya lang yan! Walang kwenta yan! “ Maaaring tama, maaaring mali ang punto mo. Ang 25 sentimos ay bihira nalang gamitin sa sirkulasyon ng bansa, dahilan kung bakit wala nang halaga ito pagdating sa mga tao. Ngunit hindi mo ba alam na ito’y maaring makapag-angat ng buhay mo?? Maniniwala ka kaya sa kakayahan ng simpleng 25 sentimos na palaguin ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino? Maaaring “Malabo” ang isasagot  mo, ngunit totoo na ang baryang ito ay kayang bigyan ng hanapbuhay ang pamilya mo.
Sa pamamagitan ng Republika ng Barya, mabibigyang halaga ang bawat 25 sentimo sa bulsa mo. Bukod sa maraming benepisyo na maaaring maibigay sa bawat mamamayang Pilipino kagaya na lamang ng; pangkabuhayan, pangkalusugan, edukasyon sa mga kabataan, tulong medical sa mga matatanda at marami pang iba. Ang bawat sentimo ay mahalaga at hindi dapat sinasayang. Marami itong kayang gawin kapag pinagsama-sama. Hindi lang sa pera pati na rin sa iba pang mga bagay, kadalasan ang tinitignan lang natin ay kung ano ang mas ang malaki, nakakalimutan natin na magsimula sa maliit. Dito hinihikayat ang sambayanang Pilipino na makiisa sa programa ng Republika Ng Barya kung saan iipunin ang mga baryang 25 sentimos upang maibalik sa BSP nang sa gayon mabigyan ng pangkabuhayan ang bawat pamilyang Pilipino lalong lalo na ang mahihirap at kapos sa buhay.
Sa simpleng 25 sentimo sa bulsa mo, maaaring makatulong ka sa mga taong higit na nangangailangan. Maa­ring maging bayani kahit mga simpleng mamamayan sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga 25 sentimos.
Ang simpleng barya na hindi mo pinansin, hindi mo pinulot o hindi tinanggap ay madaming magagawana kahit na kaunti ay may silbi pa rin. Bawat sentimo ay mahalaga at hindi dapat maliitin.
Tara na ! Kilos na ! Maging parte sa maliit na simula tungo sa pagbabago!

RepublikaNgBaryaPhilippines





Simulan na ang Pagbabago