Written By: Mae Dizon
Palagi nating naririnig at sinasabi “Wala nang libre ngayon.”
Halos lahat ng kailangan mo sa pang-araw-araw na buhay ay umiikot sa pera. Kaya
hangga’t maari nagtitipid ka, naghahanap ng mura at sulit ang bayad. Pero kahit
nagtititpid ka, minsan hindi mo maiiwsang madaya at minsan hindi mo naiisip na
nagsasayang ka.
Mga halimbawa:
Ngunit paano kung pagsasama-samahin natin lahat ng mga sentimo na
hindi nila naisukli, ‘di ba’t malaking halaga rin ito, lalo na sa mga
malalaking pamilihan. Sa dami ng nabili sa tindahan ilan ba ang hindi nila
binigyan ng tamang sukli at Ilan ba ang hindi tumanngap ng sentimong sukli.
Magkano ang kikitain nila, sa isang araw, linggo, buwan at taon?
Hindi mabubuo ang piso kung
walang bente singko sentimo! Ating alalahanin ang kahalagahan ng baryang ito sa
ating buhay na sa panahon ngayon bihira nalang ang nagbibigay halaga nito. Kung
mapapansin natin sa mga daan, kalye, at iba pang lugar, madalas nating makikita
ang mga baryang ito, ngunit hindi natin pupulutin o bibigyanng pansin ,minsan
pa na kung ibibigay mo sa mga bata, maaaring hindi nila tanggapin ito o itapon
na lamang kasi halos wala nang tindahan ang tumatanggap nito. Maging ang mga
pulubi sa daan na nanghihingi ng limos sa iyo na bibigyan mo ng bente pirasong
25 sentimos eh mukhang malabo pang tanggapin niya ito. Ito rin ay maaaring
tanggihan ng taong pinagkakautangan mo ang mga baryang binabayad mo.
Ang kendi sa panahon ngayon ay mabibili na ng piso isang piraso, wala nang
pwedeng mabili sa 25 sentimo na barya mo kaya ang dahilan mo maaari ay “barya
lang yan! Walang kwenta yan! “ Maaaring tama, maaaring mali ang punto mo. Ang
25 sentimos ay bihira nalang gamitin sa sirkulasyon ng bansa, dahilan kung
bakit wala nang halaga ito pagdating sa mga tao. Ngunit hindi mo ba alam na
ito’y maaring makapag-angat ng buhay mo?? Maniniwala ka kaya sa kakayahan ng
simpleng 25 sentimos na palaguin ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino?
Maaaring “Malabo” ang isasagot mo,
ngunit totoo na ang baryang ito ay kayang bigyan ng hanapbuhay ang pamilya mo.
Sa pamamagitan ng Republika ng
Barya, mabibigyang halaga ang bawat 25 sentimo sa bulsa mo. Bukod sa maraming
benepisyo na maaaring maibigay sa bawat mamamayang Pilipino kagaya na lamang ng;
pangkabuhayan, pangkalusugan, edukasyon sa mga kabataan, tulong medical sa mga
matatanda at marami pang iba. Ang bawat sentimo ay mahalaga at
hindi dapat sinasayang. Marami itong kayang gawin kapag pinagsama-sama. Hindi
lang sa pera pati na rin sa iba pang mga bagay, kadalasan ang tinitignan lang
natin ay kung ano ang mas ang malaki, nakakalimutan natin na magsimula sa
maliit. Dito hinihikayat ang sambayanang Pilipino na makiisa sa programa
ng Republika Ng Barya kung saan iipunin ang mga baryang 25 sentimos upang
maibalik sa BSP nang sa gayon mabigyan ng pangkabuhayan ang bawat pamilyang
Pilipino lalong lalo na ang mahihirap at kapos sa buhay.
Sa simpleng 25 sentimo sa bulsa
mo, maaaring makatulong ka sa mga taong higit na nangangailangan. Maaring
maging bayani kahit mga simpleng mamamayan sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga 25
sentimos.
Ang simpleng barya na hindi mo pinansin, hindi mo pinulot o hindi
tinanggap ay madaming magagawana kahit na kaunti ay may silbi pa rin. Bawat
sentimo ay mahalaga at hindi dapat maliitin.
Tara na ! Kilos na ! Maging parte
sa maliit na simula tungo sa pagbabago!
RepublikaNgBaryaPhilippines
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento