“Barya, Gaano kahalaga”
Written By: Mae Dizon
Hanggang saan ang kayang gawin ng
barya mo? Gaano nga ba kahalaga ng barya sa buhay ng tao?
Malamang sa malamang, nasangkot ka
na sa isa sa mga eksesnang ito (o baka nga sa lahat pa):
• Umagang-umaga, sumakay ka ng
jeep pero huli na nang malaman mong P100 ang pinakamaliit mong halaga. Ibabayad
mo. Wala syang barya, wala kang barya. Thank you na lang ba? Halaga ng barya:
3/5
• Hindi nagkasundo ang merienda
mong mani at mangga. Wala ka sa bahay, wala kang tissue. Laking saya mo ng
makita mong may tissue vendo sa pinasukan mong CR. P5 for a pack. Agad kang
dumukot sa ‘yong bulsa… wala kang barya. Patay na. Halaga ng barya: 5/5
•
Kailangan mong tumawag sa bahay dahil naiwan mo ang cell phone mo. Ayan, may pay phone. Please insert
coin. Wala na namang barya. Ayawan na. Halaga ng barya: 2/5
Ilan lang ito sa mga suliraning
nag-uugat sa kawalan ng barya ng isang tao sa ilang pagkakataon. Ngunit paano
na kung ang problemang ito ay maging problemang nasyonal? Ano ang magiging
epekto nito sa ekonomiya? Sa pag-unland? Sa pangkalahatan? Sa halos 2 milyong
bilang nga mga pulubing umaasa sa barya?
Pero teka, bakit nga ba may barya?
Ginawa nga lang ba ito upang magamit sa paglalaro ng cara y cruz? Pamalit sa
nawawalang piyesa ng chess? Pampaliit ng bukol? Pang-alog pagpatak ng Bagong
Taon?
Ang
barya ay naimbento noong 700 BC (galing sa Wikipedia) dahil sa pangangailangan
ng mga tao sa isang instrumento para
sa pangangalakal. Ito’y nagsisilbing panumbas sa mga matatanggap na produkto at
serbisyo. Ngayon, ang silbi nito ay ganoon pa rin ngunit nagtataglay na lamang
ng mas maliit na mga halaga. Sa madaling salita, isa itong mahalagang elemento upang dumaloy ang industriya ng
kalakaran.
Ngayon,
kung mauubos o bababa ang bilang nito mula sa pangkaraniwan, magkakaroon ng
abnormalidad sa pag-ikot ng pera—kung hindi pagkaparalisa—sa ating bansa.
Hihina
ang ekonomiya. ‘Pag humina ang ekonomiya, babagal ang pag-unlad. Apektado ang
lahat.
Kaya ganoon na lang ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagtigil ng pagsirkula ng barya sa bansa. AngBanko Sentral ng Pilipinas ay laging pinakikiusapan ang mga tao na ‘wag itago ang mga barya sa alkansya sa mahabang panahon. Nilalaban din ng gobyerno ang mga coin smugglers na tone-tonelada kung maglabas ng barya sa bansa.
Kaya ganoon na lang ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagtigil ng pagsirkula ng barya sa bansa. AngBanko Sentral ng Pilipinas ay laging pinakikiusapan ang mga tao na ‘wag itago ang mga barya sa alkansya sa mahabang panahon. Nilalaban din ng gobyerno ang mga coin smugglers na tone-tonelada kung maglabas ng barya sa bansa.
Hindi
malayong umunlad ang bansa nang isang hakbang kung ang isang problema tulad ng
sa barya ay matutugunan. At sa pagsagot ng problemang ito, magsimula tayo sa
takot. Personal na takot. Takot na baka dumating ang araw na hindi na tayo
masuklian sa
jeep, o makabili ng tissue sa oras ng tawag ni Inang Kalikasan, o
makatawag sa isang teleponong bayaran.